RIZAL PARK
Ang
Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas.
Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong
kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta
pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. Ang
pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang
Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang
pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang
parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa
lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan
ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.
Excited
na excited ako pumunta sa Luneta dahil makikita ko na ang lugar kung saan
pinatay ang ating pambansang bayani. Ito ang pinakamasayang naranasan ko, ang
bumisita sa mga lugar na makasaysayan. Ako ay manghang mangha sa mga iskultura
doon. Maraming mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating bayan at para sa
ating kalayaan. Ako ay proud na proud na kanilang lahat. Marami akong natutunan
sa aking pagpunta sa Rizal Park. Isa na dito ay, dapat matuto tayong mahalin an
gating bayan. Mag-isip tayo ng paraan upang makatulong na umunlad an gating bansa.
Pagdating ko sa Rizal Park
Ang binhi ng kalayaan
Ang monumento ni Lapu Lapu
EDSA SHRINE
Ang
EDSA Shrine o Our Lady of Peace Quasi-Parish ay matatagpuan sa kahabaan ng
Epifanio de los Santos Avenue (EDSA). Isa itong maliit na simbahang itinayo
bilang tanda ng naganap na mapayapang aklasang bayan (People Power Revolution)
noong 1986, na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa pook na
kinatitirikan ng nasabing dambana naganap ang pagtitipon-tipon ng iba't ibang
samahang iba't iba ang uri at ideolohiya, na pawang kumilos upang iligtas ang
nagkudetang pangkat nina Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Sandatahang si Juan
Ponce Enrile. Makikita sa EDSA Shrine ang malaking bronse ng estatwa ni Birheng
Maria. Noong 2001, naganap ang EDSA Dos (People Power II), na nagpatalsik sa
dating Pangulong Joseph Estrada, dulot ng kudeta ng militar at pakikisangkot ng
mga puwersang makagitna. Ilang beses mauulit ang pagtatangka para sa EDSA Tres
at EDSA Kuwartro, ngunit ang lahat ng iyon ay mabilis na sinupil ng sandatahang
lakas na naging matapat sa administrasyon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ako
ay namangha dahil sa ginawang simbahan na ito matapos ang rebolusyon. Maraming
tao ang nakipagsapalaran para sa kanilang karapatan. Tinama nila ang mga maling
gawain o katiwalian sa gobyerno. Madalas itong ginagawa ng ilan sa mga nakatataas
sa lipunan. Sinasamantala nila ang kanilang posisyon o katayuan sa bansa. Hindi
dapat natin pairalin ang pagiging makasarili. Karamihan sa mga opisyal, sarili
ang inuuna bago ang kanilang bayan na pinagsisilbihan. Katiwalian din ang isa
sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas. Ang mga namumuno sa
bansa ang dapat na nagsisilbing ehemplo sa kanilang nasasakupan. Dapat tayo ay
magtulungan para sa ikauunlad ng ating bansa. Hindi yung tayo tayo pa ang
naglalabanan para sa ikakabagsak nito.
Ang EDSA Shrine
No comments:
Post a Comment