Wednesday, 25 March 2015

Historical Visit

RIZAL PARK

Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.


Excited na excited ako pumunta sa Luneta dahil makikita ko na ang lugar kung saan pinatay ang ating pambansang bayani. Ito ang pinakamasayang naranasan ko, ang bumisita sa mga lugar na makasaysayan. Ako ay manghang mangha sa mga iskultura doon. Maraming mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating bayan at para sa ating kalayaan. Ako ay proud na proud na kanilang lahat. Marami akong natutunan sa aking pagpunta sa Rizal Park. Isa na dito ay, dapat matuto tayong mahalin an gating bayan. Mag-isip tayo ng paraan upang makatulong na umunlad an gating bansa.



Pagdating ko sa Rizal Park


Ang binhi ng kalayaan



Ang monumento ni Lapu Lapu

EDSA SHRINE

Ang EDSA Shrine o Our Lady of Peace Quasi-Parish ay matatagpuan sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA). Isa itong maliit na simbahang itinayo bilang tanda ng naganap na mapayapang aklasang bayan (People Power Revolution) noong 1986, na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa pook na kinatitirikan ng nasabing dambana naganap ang pagtitipon-tipon ng iba't ibang samahang iba't iba ang uri at ideolohiya, na pawang kumilos upang iligtas ang nagkudetang pangkat nina Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Sandatahang si Juan Ponce Enrile. Makikita sa EDSA Shrine ang malaking bronse ng estatwa ni Birheng Maria. Noong 2001, naganap ang EDSA Dos (People Power II), na nagpatalsik sa dating Pangulong Joseph Estrada, dulot ng kudeta ng militar at pakikisangkot ng mga puwersang makagitna. Ilang beses mauulit ang pagtatangka para sa EDSA Tres at EDSA Kuwartro, ngunit ang lahat ng iyon ay mabilis na sinupil ng sandatahang lakas na naging matapat sa administrasyon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ako ay namangha dahil sa ginawang simbahan na ito matapos ang rebolusyon. Maraming tao ang nakipagsapalaran para sa kanilang karapatan. Tinama nila ang mga maling gawain o katiwalian sa gobyerno. Madalas itong ginagawa ng ilan sa mga nakatataas sa lipunan. Sinasamantala nila ang kanilang posisyon o katayuan sa bansa. Hindi dapat natin pairalin ang pagiging makasarili. Karamihan sa mga opisyal, sarili ang inuuna bago ang kanilang bayan na pinagsisilbihan. Katiwalian din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas. Ang mga namumuno sa bansa ang dapat na nagsisilbing ehemplo sa kanilang nasasakupan. Dapat tayo ay magtulungan para sa ikauunlad ng ating bansa. Hindi yung tayo tayo pa ang naglalabanan para sa ikakabagsak nito.


Ang EDSA Shrine